-- Advertisements --

Itinuturing ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang endangered species ang tamaraw.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, na mayroon na lamang 500 hanggang 600 na bilang ng mga tamaraw ang nabubuhay.

Dagdag pa nito na noong 1900 na mayroong mahgiit 10,000 ang bilang ng mga tamaraw.

Bumaba pa sa bilang ng 100 ito hanggang simulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr ang Tamaraw Conservation Program.

Noong nakaraang taon ay mayroong inilaan na P100-milyon a budget ang gobyerno para sa conservation ng tamara at ilang mga endangered na species gaya ng dugong o sea cow, Philippine cockatoo, Philippine Eagle, Philippine pangolin at pawikan.

Target nila ngayon na mapataas ang bilang ng tamaraw ng hanggang 1,000.