-- Advertisements --
WPS UPMSI
IMAGE | Seabirds in Lawak Island are seen living around piles of plastics (macro and micro). It is estimated that around 1 million seabirds die every year due to plastics ingestion (WWF, 2020). Studies on the diversity and ecology of seabirds in Lawak Island remain limited, and yet, they are already probably being affected by plastics pollution/Photo by UPMSI

MANILA – Nababahala ang University of the Philippines – Marine Science Institute (UPMSI) matapos matuklasan na tambak pa rin ang basura sa karagatan ng Kalayaan Island Group (KIG).

“Consistent with their observations in 2019, UPMSI Expedition team observed that different environments in the West Philippine Sea are teeming with plastic debris, calling for an urgency to address the threats of plastic pollution,” nakasaad sa online post.

Noong 2019 nang maglunsad ng research ang institusyon sa mga isla ng Kalayaan, kung saan una nilang nadiskubre ang sandamakmak na basurang plastic sa dagat.

“This resulted in a more focused and in- depth look into the plastics problem by including a research component on microplastics and their associated organisms.”

Natuklasan ng researchers ang tambak ng mga basura sa karagatan ng Pagasa, Patag, at Lawak islands. Partikular na ang PET (polyethylene terephthalate) bottles, na kadalasang ginagamit na bote sa mga inumin at ibang produkto.

Mga floating packaging materials naman daw ang nakita ng UPMSI researchers sa karagata ng Sabina at Ayungin Shoal.

Bukod dito, nadiskubre rin ng mga nagsaliksik ang mga sira-sirang fishing gears na sumabit na sa mga coral reefs.

“These are strong indications of the connectivity of the marine environment, warranting further actions for the reduction and mitigation of plastic pollution.”

RESEARCH

WPS UPMSI 4
IMAGE | Upgrade CIA crew aboard the Panata/Photo by UPMSI

Mula Abril hanggang Mayo nitong taon, nagsaliksik ang mga researchers ng UPMSI sa West Philippine Sea.

Bahagi ito ng mga research programs na “Upgrading Capacity, Infrastructure, and Assets For Marine Scientific Research in the Philippines (Upgrade CIA)” at “Predicting Responses Between Ocean Transport and Ecological Connectivity in Threatened Ecosystems in WPS 2 (PROTECT WPS 2).”

Ayon sa UPMSI, malaki ang papel ng West Philippine Sea sa pagpapanatili ng balanseng ecosystem, at kabuhayan ng mga mangingisda.

Aabot sa 500 uri ng coral reef fish ang matatagpuan sa naturang bahagi ng karagatan. Karamihan sa mga ito ang kinakain ng tao.

Tinatayang 27% ng mga isdang nahuhuli at ibinibenta ng bansa ang mula sa West Philippine Sea, at 55% ng malalaking fishing vessels sa mundo ang nangingisda rito.

WPS UPMSI 5
IMAGE | Protect WPS crew posing with the M/Y Panata while docked in Puerto Prinsesa City harbor/Photo by UPMSI

“The Kalayaan Island Group alone is estimated to have 1.94 million metric tons of large tuna, purpleback squid, bonitos, and trevallies. Its reefs produce 62,000 to 91,000 metric tons of fish annually, which is enough to feed around 1.6 to 2.3 million Filipinos each year.”

Hanggang sa ngayon, may mga yamang dagat pa raw sa mga isla ng Kalayaan na hindi nagagalaw ng mga tao.

“Economically important seaweeds and reef systems that are crucial sources of larvae from many organisms, including corals and other invertebrates, are found in the KIG.”

HIGHLIGHT RESULTS

WPS UPMSI 6
IMAGE | The Pagasa Island Research Station (PIRS) being refurbished under the Upgrade CIA program/Photo by UPMSI

Makasaysayan daw ang paglalakbay ng UPMSI researchers sa West Philippine Sea ngayong taon. Dito raw kasi naitala ang may pinakaraming mga isla at bahura na nabisita.

Nakatulong daw dito ang research vessel na M/Y Panata at pagpo-pondo sa pag-aaral ng National Security Council at Environment Management Bureau ng DENR.

Binisita rin daw ng researchers ang naluma nang Pagasa Marine Research Station, kung saan nagkabit sila ng mga solar panel at iba pang gamit na makakatulong sa monitoring ng karagatan.

“Other upgrades will be carried out in the coming months.”

Nagtayo naman ng bagong monitoring sites ang UPMSI sa Ayungin Shoal, Quirino Atoll, at Iroquois Reef.

“Establishing new sites is important as this allows researchers to further explore the richness and connectivity of these ecosystems.”

Nagbigay naman sila ng training sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines para sa mga scientific equipment, at nagbigay ng mga relief supplies.

Mainit pa rin ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa patuloy na pag-angkin ng Beijing sa bahagi ng karagatan.

Noong 2016 nang maipanalo ng pamahalaan ang kaso sa international court, kung saan kinilala ang eksklusibong pag-aari ng estado sa West Philippine Sea.