-- Advertisements --
corals

Nadiskubre ang tambak na patay at durog na corals na halos kasing taas ng tao sa may Sandy Cay 2 malapit sa Pag-asa island sa may Kalayaan sa bahagi ng West PH Sea noong Setyembre 22.

Ayon sa mga eksperto ito daw ang karaniwang paraaang ginagawa ng China bago simulan ang reclamation activities.

Isa ito sa apat na Sandy Cays malapit sa nasabing isla kung saan regular na namamataan ang mga barko ng Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard.

Sa mga Sandy Cays na ito nangingisda ang ating mga kababayang mangingisdang Pilipino.

Kumpara sa 4 na cays sa lugar, ang Sandy Cay 2 ang mayroong hindi pangkaraniwang nakatambak na patay na corals at hindi buhangin.

Ang Sandy Cay 2 ay 3 nautical miles o 6 kms mula sa Pag-asa island sa Kalayaan.

Ang panibagong napaulat na pagkasira ng mga coral ay kasunod ng pagkakatuklas ng AFP Western Command at Philippine Coast Guard kamakailan lamang na malawakang coral harvesting mula sa Rozul reef at Escoda shoal.