Tambak ng basura ang tumambad sa mga tauhan ng MMDA, matapos humupa ang putukan sa pagsalubong sa bagong taon.
Sangkaterbang basura ang iniwan sa Samson Road, Sangandaan, Caloocan City, ganun di sa Sta. Cruz, Manila at iba pang mga lugar.
Karamihan sa mga ito ay balot ng pinagkainan at cover ng mga firecrackers at pailaw.
Pero payo ng MMDA, huwag basta damputin ang paputok, lalo na kung buo pa ito dahil sa panganib na tuluyan itong sumabog.
Mungkahi ng mga otoridad, basain muna ito at ibukod bago i-dispose nang tuluyan.
Binabalaan din ang mga magulang na huwag hayaan ang kanilang mga anak na kunin at ipunin ang mga may pulburang basyo ng pailaw o paputok dahil posibleng ma-trigger ito ng isang simpleng spark at humantong sa pagkasunog o pagsabog.