-- Advertisements --
Maraming mga miyembro umano ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) ang sumusuporta sa posibleng tambalan nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte sa May 2022 national elections.
Sinabi ni Department of Energy Alfonso Cusi ang PDP-Laban vice chairman, na 90 percent ng mga miyembro ng partido ang suportado sa pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice president.
Malaki rin ang paniniwala ni Cusi na kung magdesisyon ngayon si Pangulong Duterte na tumakbo ay tiyak na ang suporta ng mayorya ng partido.
Mayroon na rin aniya silang ginagawang resolution tungkol sa Go-Duterte tandem.