DAGUPAN CITY- Posibleng nagtampo matapos umanong mapagalitan ang magkapatid na hanggang sa ngayon ay nawawala sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Una rito, nagpunta sa himpilan ang nanay ng dalawa noong Biyernes upang ipagbigay alam na nawawala na ang kanyang isang 16 at 19 anyos na mga anak.
Nang matanggap ang impormasyon ay agad na nakipag koordinaasyon sa mga kinauukulan ang mga pulis at nagpost na rin sa kanilang Social Media Account kalakip ang larawan ng dalawa.
Napag-alaman na ang 19 anyos na si Jerald Soquila at ang kanyang 16 anyos na kapatid ay mga residente ng Brgy. Banaoang at kasalukuyang nag-aaral.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni P/Major Ariel Caballero, Deputy Chief of Police ng Mangaldan Police Station, posibleng nagtampo ang mga ito ng mapagalitan o hindi na gaanong naaalagaan ng mga magulang lalo at ang kanilang ama at ina at mayroon nang kaniya-kaniyang pamilya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang koordinasyon ng mga pulis sa mga magulang ng dalawa at sakanilang mga kaibigan.
Hinikayat naman ng opisyal ang lahat na kung sakaling may mga impormasyon sila ay agad na magtungo sa himpilan.