-- Advertisements --
Naniniwala si Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor na tila malabo nang maungusan pa an tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo at bise presidente sa nalalapit na halalan.
Sinabi ito ni Defensor, na tumatakbo sa pagka-alkade ng Quezon City, matapos na makakuha si Marcos ng 32-percentage point lead kay Vice President Leni Robredo, base sa latest Pulse Asia survey .
Para naman kay Duterte-Carpio, natukoy na siya ay may 36-percentage point lead naman kay Senate President Vicente Sotto III.
Base sa kasaysayan, sinabi ni Defensor na sa buwan ng Abril, ang mga frontrunners sa survey para sa Palace seat ay mas lumalawak pa ang lamang laban sa kanilang mga katunggali.