-- Advertisements --

Nananawagan na ang ilang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-endorso na ng magiging House Speaker at huwag hayaang maging free for all ang labanan.

Ito’y sa harap naman ng pangambang mag-tandem bilang Speaker at House Majority Leader sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero.

Inamin ng isang kongresistang matagal na sa derbisyo na tumangging magpabanggit ng pangalan na may gapangan nang nangyayari hindi lamang sa House Speakership kundi maging bilang House Majority Leader.

Nangangamba ang kongresistang ito na pawang walang sapat na karamasan ang mga uupong bagong House leaders na wala pa aniyang napatunayan sa larangan ng pulitika.

Bukod dito, hindi rin aniya sapat ang leadership skills ng mga ito at nakadipende pa sa dambuhalang negosyante.

Nauna nang binatikos si Velasco dahil sa pagiging baguhan pa lamang nito at ang tanging lamang sa pagtakbo sa pagka-speaker ay ang suporta ng negosyante na si Ramon Ang.