-- Advertisements --
Nanawagan si Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa mga mananampalataya na magbukas ng puso at isip.
Hinimok niya ang mga Katoliko na huwag hayaan ang masasamang karanasan na pumigil sa kanila na magtiwala sa kapwa.
Sinabi niya na ang lahat ay tinatanggap sa tahanan ng Diyos, subalit ang mga tao ang sadyang gumagawa ng pader na humahadlang.
Binanggit ng Cardinal ang mga pader na nakapaligid sa Bethlehem tila simbolo, dahil sa hidwaan ng Israel at Palestine, na siya namang nagiging sagabal sa kapayapaan.
Dagdag pa niya, hindi matatamo ang kapayapaan sa mundo hangga’t may mga pader ng hidwaan batay sa kulay, relihiyon, lahi, kasarian, o estado ng pamumuhay.