-- Advertisements --
ILOILO CITY- Ipinag-utos ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang pag-lockdown sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Western Visayas.
Ito ay matapos nagkahawaan ng COVID-19 Delta variant ang dalawang empleyado.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na epektibo ang nasabing kautusan at hindi pa malaman kung kailan magtatagal.
Anya, ang nasabing hakbang ay ang naisip nilang paraan upang hindi na dumami ang mahawaan ng Delta variant.