Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na nakatanggap ng bomb threat ang punong tanggapan ng Supreme Court na nasa Padre Faura Street, Malate, Manila.
Ayon sa MPD, agad silang nagsagawa ng inspeksyon matapos makatanggap ng sumbong ukol sa umano’y explosive device, na kalaunan ay nag-negatibo naman.
Kaugnay nito, maraming empleyado ng Supreme Court ang pansamantalang lumabas sa gusali habang nagkakaroon ng inspection ang bomb squad.
Dahil sa paglabas ng mga tao sa compound ng Korte Suprema, pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko ang kalsada sa harap ng SC building.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pinagmulan ng bomb threat.
Nitong nakalipas na araw ay naging target naman ng hackers ang website ng kataas-taasang hukuman, ngunit mabilis din nilang nabawi ang control sa account.