-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ni-lockdown ang Office of the Civil Defense (OCD) – Emergency Operations Center sa Western Visayas matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang mga empleyado.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cindy Ferrer, spokesperson ng Regional Task Force Against COVID-19, sinabi nito na tatlong mga empleyado ang nagpositibo sa virus.
Sa mga nagpositibo, dalawa umano ang duty personnel at ang isa naman ay uniformed personnel.
Sa ngayon isinailalim na sa reverse transcription–polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang lahat ng empleyado at posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga mahahawaan ng virus.