CARACAS, Venezuela – Kinumpirma ngayon ni Venezuelan opposition leader at self-proclaimed acting president Juan Guaido na suportado na siya ng government troops sa Venezuela para patalsikin si President Nicolas Maduro.
Nangako naman daw ang gobyerno na pakakalmahin na ang mga nagpoprotesta at sa tangka nilang kudeta laban sa pangulo.
Una rito, daan-daang katao ang nagkakagulo sa mga kalsada malapit sa Caracas military base dahil sa isinasagang protesta.
Agad namang tumugon ang mga pulis sa naturang bansa at nagtapon ng tear-gas habang binabato ng mga demonstrators ang mga security forces.
“We are currently facing and deactivating a small group of treacherous military personnel who took positions in the Altamira distributor road (in Caracas) to promote a coup d’etat,” wika ni Communications Minister Jorge Rodriguez.
Sa pahayag naman ng US, suportado raw nila si Guaido at nanawagan ang White House sa militar sa Venezuela na protektahan ang mga tao doon.
“The U.S. Government fully supports the Venezuelan people in their quest for freedom and democracy. Democracy cannot be defeated,” ani US Secretary of State Mike Pompeo.