-- Advertisements --
Nahuli ang tangkang pagtakas ng halos 400 Islamic State millitants mula sa isang lupain sa Syria na nasa kanilang pagmamay-ari.
Ayon sa isang commander ng Syrian Democratic Forces, nahuli ang mga jihadists kagabi habang sinusubukang umeskapo sa Baghuz katulong ang mga smuggler.
Una ng sumuko at umalis sa lugar ang iba nilang kasamahan kasama ang libo-libong sibilyan.
Ito ay matapos silang paulanin ng bomba ng US forces ay pormal nang idineklara ang pagtatapos ng ‘caliphate’ na ipinroklama ng IS noong 2014.
Kung saan naging laganap ang brutal na pamumuno sa halos walong milyong katao at pagkamkam sa bilyun-bilyong dolyar mula sa langis, extortion, kidnapping at pagnanakaw.