-- Advertisements --

Dumating na sa Ukraine ang apat na Leopard 2 tanks mula sa Poland.

Personal na tinanggap ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang mga tangke mula kay Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki.

Sinabi ni Moraweicki na ang nasabing mga tangke ay makakatulong para maprotektahan ang mga sundalo nilang sumasabak sa giyera.

Kasabay din nito ay inanunsiyo niya na mayroong 60 PT-91 tankes ang kanilang ipapadala sa Ukraine sa mga susunod na araw.

Magugunitang maraming mga bansa nangako na sila ay magpapdala ng mga tangkeng pandigma.