Pina-iimbestigahan na ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang mga nagsisilabasang report kaugnay sa isyung tanim bala.
Sinabi ni Dela Rosa na dapat pakinggan din ang panig ng PNP dahil magiging unfair naman ito para sa kanila kung ang panig lamang ng mga biktima ang pakikinggan.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na wala namang nangyari na tanim bala lalo na ang naiulat na tanim bala insident sa Maynila.
Sinabi ng PNP chief na ang ginawa ng mga pulis ay covered naman ito ng search warrant at may narekober silang P1 milyon na sinama sa exhibit bilang ebidensiya.
Giit ni Dela Rosa na kung balak ng mga pulis na magkapera ay sana ginalaw na nila ang pera.
Sinibak na rin sa pwesto ang chief of police ng Mabalacat at Bacolor dahil na rin sa isyu ng tanim bala.
Samantala, mensahe naman ni Dela Rosa sa VACC na nanawagan na itigil muna nila ang kanilang kampanya kontra droga dahil sa ongoing pa ang kanilang internal cleansing ay dapat sabihan nila si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP chief kung ipag-utos ng pangulo na itigil na nila ang kanilang kampanya ay susundin nila ito.