-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Anim na Barangay na sa Datu Montawal Maguindanao ang tinaniman ng tabako.

Nais ng lokal na pamahalaan na palawakin ang pagtatanim ng tabako upang mahikayat ang ibang mga magsasaka na mamuhonan rito maliban sa nakasanayan nilang palay.

Ayon kay Mayor Datu Ohto Montawal na malaki ang demand at mataas ang presyo ng tabako kung kaya’t mainam ang pagtatanim nito.

Magtatayo rin ng buying station ang LGU-Datu Montawal upang hindi na mahirapan ang mga magsasaka ng Tabako na dalhin sa Bukidnon at Misamis ang kanilang produkto.

Dagdag ng alkalde na tamang presyo ang kanilang ibibigay sa mga magsasaka upang matulungan silang kumita at mabawi ang kanilang gastusin sa pagtatanim.

Hinikayat ni Mayor Montawal ang mamamayan na nagmamay-ari ng lupain sa bayan na magtanim ng Tabako.