-- Advertisements --

Nilinaw ng European Union’s mission in the Red Sea o kilala bilang Aspides na walang nangyaring oil spill sa lugar kung saan lumubog ang MV SOUNION tanker matapos ang pag-ataek ng Houthi rebels.

Giit nila na ang Greek-flagged oil tanker ay naka-angkla pa at hindi ito gumagalaw.

Una ng ikinabahala ng Pentagon na nagkakaroon ng oil spill ang nasabing lumubog na tanker.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng atakihin ng Houti rebels ang nasabing tanker ng Houthi fighters bilang pakikisama sa Palestino laban sa pananakop ng Israel.