-- Advertisements --
NAGA CITY- Ang hindi pagkakaintindihan ang dahilan ng nangyaring pananaksak sa isang sayawan sa Barangay Catagbacan, Goa, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Maj. Dominique Borigas, hepe ng Goa-PNP, sinabi nitong habang nasa sayawan ang Barangay Tanod na si Culas Sadia, 42-anyos at ng suspek na si Ruel Tarosa, 28-anyos ng magkaroon ng alitan ang dalawa na nauwi sa pananaksak.
Tinamaan sa mukha at tiyan ang bitkima na agad namang itinakbo sa ospital.
Sa ngayon, nagpapagaling pa ang biktima dahil sa tinamong tama.