-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naaresto ng mga pulis ng lungsod ng Heneral Santos si Municipal Councilor June Seneca ng Tantangan, South Cotabato dahil wanted sa kasong rape at sexual abuse.

Ayon kay Police Capt. Arni Noel Cardos, chief of Police ng Bula Police Station na kanilang ikinasa ang operasyon matapos mapag-alaman ang lokasyon ng naturang opisyal sa Bria Homes, San Isidro nitong lungsod base sa intelligence gathering.

Si Councilor Seneca ay top 3 most wanted umano ng municipal level ng Tantangan.
Ang warrant of arrest ni Kag. Seneca ay ipinalabas ng korte noong Enero 2023.