GENERAL SANTOS CITY – Dadalhin sa Jersey City, New Jersey, ang tanyag na produktong tuna mula sa GenSan para sa malaking kasiyahan sa darating na Agosto 16
Ayon kay Councilor Shandee Pestaño, chairperson on committee on tourism, tampok ang GenSan Tuna Festival sa unang anibersaryo ng sisterhood ng Jersey City.
Ang fresh tuna at delicacy ay libreng ipapamigay sa nasabing araw sa Owen Gundy Pier Exchange sa Jersey City.
Dagdag ni Pestaño na dadalhin din mula sa GenSan ang “tribal royalties” pati na ang “tribal dances and exciting Filipino entertainment” na inorganisa ng SocSarGen (Cotabato-Sarangani-GenSan) USA.
Ito’y sa pamamagitan ni Jersey Mayor Steven Fulop kasama sa Municipal Council at Office of Cultural Affairs.
Kung maaalala, pumirma ng sisterhood agreement ang Jersey City noong Agosto ng nakaraang taon sa pamamagitan ng trade and cultural mission sa pangunguna ni former GenSan Vice Mayor Sherlyn Nograles.
Dahil dito, ilalagay ang flag ng Jersey City sa Tuna Festival sa September 1-5 ngayong taon sa Pioneer Avenue bilang pagkilala sa contribution at development process nitong lungsod.