-- Advertisements --
Pormal ng nanumpa bilang pangulo ng Tanzania si Vice President Samia Suluhu Hassan.
Papalitan niya si President John Magufuli na pumanaw dahil sa sakit sa puso.
Dahil dito ay magiging kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa si Hassan.
Inanunsiyo mismo ni Hassan na namatay si Magufuli dahil sa sakit sa puso at walang katotohanan na dinapuan ito ng COVID-19.
Magugunitang nagdesisyon si Magufuli na hindi bibil ng bakuna ng COVID-19 sa ibang bansa para sa 58 nitong mamamayan at sinabing hihintayin muna ang gagawing pag-aaral ng mga eskperto sa kanilang bansa.