Dinumina ng New Orleans Pelicans ang overtime game laban sa Sacramento Kings, 140 – 133 sa pamamagitan ng clutch perforamnce ng guard na si CJ McCollum.
Umabot sa overtime ang bakbakan sa pagitan ng dalawang team matapos kapwa kumamada ng 127 ang dalawang koponan sa pagtatapos ng 4th quarter.
Gayunpaman, sa pagpasok ng OT ay halos hindi na nakapalag pa ang Kings dahil sa sunod-sunod na ipinasok na shot ni McCollum.
Bago kasi matapos ang unang minuto ng 5-min overtime, nagpasok si McCollum ng isang pullup 3-pointer. Sinundan pa niya ito ng panibagong 3-pointer sa pagtatapos ng 3-min mark.
Sa pagsisimula ng last-2 mins ng laro, muling gumawa ng jump shot 3-pointer ang Pelicans guard, at sinundan ng isa pang driving layup sa huling 22 segundo ng laro.
Sa kabuuan ng OT, nakapagpasok ang Pelicans ng 13 points kung saan 11 dito ay pawang nagmula kay McCollum.
Walang ibang naging kasagutan ang Kings maliban lamang sa 6 points: 4 pts mula kay Malik Monk habang ang 2pts ay mula kay DeMar DeRozan.
Sa kabuuan ng laban, kumamada si McCollum ng 43 points at pitong assists habang nag-ambag naman ng 18 points, 11 assists, at siyam na rebounds ang forward na si Trey Murphy III.
Nasayang naman ang bigtime double-double ng sentrong si Domantas Sabonis na kumamada ng 28 rebounds at 22 points, kasama ang 32 points ng bagong Kings guard na si Zach Lavine.
Sa kabila ng panalo, nananatiling nangungulelat ang Pels na mayroon nang 42 loss habang tanging 13 games pa lamang ang naipapanalo.
Hawak naman ng Kings ang 28 – 28 win-loss record.