Inaabangan na ang muling paghaharap nina US President Joe Biden at dating US President Donald Trump sa unang Presidential debates para sa 2024 elections na gaganapin sa Atlanta mamayang alas-9 ng gabi, oras sa Amerika.
Pinakahuling nagkaharap sa debate stage ang 2 noong 2020 US Presidential elections.
Ilan sa mga posibleng isyu na tatalakayin sa debate ang tungkol sa border security at immigration, abortion rights, usapin sa ekonomiya ng Amerika at concern ng mga botante kaugnay sa edad at kalusugan nina Biden at Trump.
Inaasahang tatalakayin din ang mga kontrobersiya na bumabalot sa 2 presidential candidates kabilang ang felony conviction ni Trump kaugnay sa hush money payment sa adult film star na si Stormy Daniels bago ang 2016 election, conviction ng anak ni US Pres. Trump na si Hunter Biden.
Inaasahan naman na magtatagal ng 90 minuto ang debate sa pagitan nina Biden at trump.
Samantala, nagkasundo din sina Biden at Trump na magharap sa isa pang debate na gaganapin sa Setyembre 10.