-- Advertisements --

Asahan na bukas ang panibagong tapyas presyo sa lahat produktong petrolyo.

Batay sa mga pagtataya ng Department of Energy Oil Industry Bureau, papalo sa ₱0.40 to ₱0.60 ang magiging rollback sa kada litro ng diesel.

Tinatayang aabot naman sa ₱0.20 hanggang ₱0.40 centavos ang magiging bawas sa gasolina.

Maglalaro naman sa ₱0.70 hanggang ₱0.90 an inaasahang rollback sa kerosene.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Energy na dulot ito ng bahagyang paghupa ng kaguluhan sa Middle East.

Kabilang rin sa kanilang itinuturong dahilan ng rollback ay ang paggalaw ng presyo ng mga ito sa international market.