Handa umanong sumailalim sa polygraph si Tara Reade, isa sa mga babaeng di-umano’y biktima ng pang-aabuso ni Democratic presidential nominee Joe Biden.
Kasunod ito nang panawagan ni Reade na dapat nang umatras sa kandidatura si Biden dahil hindi naman daw nito kayang panindigan ang kaniyang kampanya para sa karapatan ng mga kababaihan.
Una nang itinanggi ng dating bise presidente ng Estados Unidos ang mga paratang laban sa kaniya.
Si Reade, 56-anyos, ay dating nagtrabaho bilang staff assistant ni Biden noong siya pa ang senador para sa US State of Delaware noong 1992-1993.
Kwento ni Reade, bigla na lamang daw siyang itinulak ni Biden sa pader at ipinasok ang kamay nito sa loob ng kaniyang palda.
“So, he had one hand underneath my shirt, and the other had, I had a skirt on, and he went down my skirt and then went up and I remember I was up almost on my tippy toes,” paglalarawan ng biktima.
“When he went inside the skirt, he was talking to me at the same time, and he was leaning into me and I pulled this way away from his head,”
Hindi pa raw dito natapos ang di-umano’y pambabastos sa kaniya ni Biden dahil nagawa pa raw ng huli na halikan ang kaniyang leeg at niyaya itong makipagtalik ngunit nang tumanggi raw ito ay bigla na lamang daw nagalit si Biden. “He looked at me and said, ‘What the hell, man, I heard you liked me’. He pointed his finger at me and he said ‘You’re nothing to me. You’re nothing’,” dagdag pa ni Reade.
Para kay Reade huli na raw ang lahat kung ngayon lamang hihingi ng public apology si Biden matapos ang 27 taon nitong pagtitiis mula sa mga death threats na natatanggap.
“You should not be running on character for the president of the United States,” saad ni Reade.