Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target revenue nito para sa unang walong buwan ng 2024.
Batay sa report ng BOC, lagpas ng P5.189 billion ang nakolekta ng BOC sa naturang period batay sa record nito.
Lumalabas kasi na nakakolekta ang ahensya ng P 614.781 billion sa kabuuan ng walong buwan habang ang target collection lamang ay P609.592 billion.
Ang mas mataas na koleksyon ay may katumbas na 0.9% increase sa target.
Paliwanag naman ng BOC, ang pagtaas sa koleksyon ay dahil na rin sa paghihigpit ng ahensiya sa pangongolekta ng mga produkto, pagtutok sa under-declaration, at pagkakaroon ng transparent na collection.
Maganda rin umano ang kabuuang fiscal management ng ahensya.
Samantala, sa nakalipas na buwan ng Agosto ay nakakonekta ang BOC ng kabuuang P78.908 billion na revenue.