-- Advertisements --
quiapo church Itim na Nazareno

Hindi inaasahan ng Simbahan ng Quiapo na maabot ang target crowd nito na dalawang milyon para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Inihayag ni Fr. Earl Valdez, ang tagapagsalita ng Quiapo Church, bagamat malayo sa inaasahang limang milyon gaya noong panahon bago ang pandemya ay doble naman ang bilang kumpara noong 2021.

Pinasalamatan din ng simbahan ang mga mamamahayag na nakutuwang nito sa pagpapakalat ng tama at maayos na impormasyon sa publiko.

Paliwanag pa ni Valdez na dahil sa pakikiisa ng lahat ay mas naging madali at napagaan ang isang mahirap na gawain.