Naniniwala ang buong hanay ng National Economic and Development Authority na maaabot ng bansa ang target na 6 to 7% growth rate ngayong kasalukuyang taon.
Ito ang inihayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan sa mga kawani ng media.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na matapos na ilagas ng PSA ang datos na kung saan umabot sa 5.7% ang GDP growth ng bansa sa unang quarter pa lamang ng taon.
Paliwanag pa ng opisyal na kanilang kinikilala ang naturang mga pangangailangan upang mabigyan ito ng mas epektibong pagtugon.
Patuloy rin kasi aniya ang epekto ng pagbabago ng panahon na nakaapakto naman sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ni Balisacan na sila ay bubuo ng kaukulang action plan.
Layon nito na matiyak na maayos ang kalusugan ng mga Pilipino particular na ang mva indibidwal at pamilya na kabilang sa vulnerable na sektor ng lipunan.