Itinaas pa ang bilang ng target na populasyon sa Pilipinas na dapat mabakunahan upang maabot ang herd immunity para magkaroon ng proteksyon laban sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. makakamit aniya ang herd immunity sa bansa kung nasa 80 hanggang 90% ng populasyon ang fully vaccinated na kontra sa COVID-19 base na rin sa mga eksperto.
Nakapokus ngayon ang pamahalaan na makumpletong mabakunahan ang nasa 90 million mga Pilipino sa unang quarter ng taong 2022 at target na matapos ang nasa 77 million sa katapusan ng kasalukuyang taon.’
Iniulat din ni Galvez na stable ang suplay ng bakuna mula sa Pfizer at Sinovac.
Inaasahang mas marami pa aniyang bakuna ang darating sa bansa sa mga susunod na buwan kung saan tinatayang nasa 10 million mula sa Pfizer o halos 5 million na bakunang Moderna.
Umaasa rin si Galvez sa tuluy-tuloy na pagdating ng mga karagdagang bakuna mula sa global vaccine sharing faclity na COVAX ng nasa 5 hanggang 6 million covid19 vaccines sa darating na buwan ng Oktubre at Nobyembre.
Sa kasalukuyan, mayroon ng halos 15 million Pilipino ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa.