-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Naging maganda ang pasok ng taon sa sector ng turismo sa isla ng Boracay matapos na maitala ang mahigit sa 75,000 tourist arrival sa loob ng 11 days sa buwan ng Enero.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, sa nasabing bilang ay 56,000 dito ang domestic tourist; 15,000 naman ang foreign tourist at nasa 14,000 ang mga overseas Filipinos.

Patunay aniya ito na hindi napag-iiwanan ang Boracay pagdating sa pinagpipilian na destinasyon ng mga turista para sa kanilang nakaraang holiday get-away.

Samantala, nanlumo ang Malay Tourism Office matapos na hindi naabot ang targeted tourist arrival na 2.1 million noong 2024 dahil nakatala lamang ang tanggapan ng 2,077,977 tourists na mababa ng 2% kung ihahambing sa 2023 data.

Sa nasabing bilang, nanguna parin ang mga dayuhang turista mula sa bansang South Korea, sinundan ng China, pumangatlo ang United States of America, Australia at Russia.

Sa ngayon aniya ni Licerio ay mas pa nilang palalakasin ang marketing strategy sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga expo at travel marts upang lubusang makilala ang Boracay sa buong mundo.