-- Advertisements --
Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na malapit na nilang maabot ang 50,000 contact tracers.
Ito ay upang mapalakas pa ang pagsisikap ng gobyerno na malabanan ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, nasa 46,338 contact tracers ang kanilang idineploy ngayon sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong mundo upang tumulong sa gobyerno.
Aniya, bumaba ang bilang ng kaso ng COVID dahil sa ipinapatupad na contact tracing capacity ng gobyerno.
Sa ngayon, pinagpipilian pa ng ahensiya ang 6,664 qualified applicants sa buong mundo na siyang kokompleto sa target number na 50,000 contact tracers. (with report from Bombo Jane Buna)