-- Advertisements --

Aminado si Tourism Secretary Christina Frasco na malabong maabot ngayong taon ang kanilang target na bilang ng mga turista na bumibisita sa bansa.

Ayon sa kalihim, malaki kasi ang kabawasan ng mga Chinese nationals o tourist dahil sa mga malalaking usapin sa bansa.

Tinukoy ni Frasco ang inilabas na e-visa na kalaunan ay sinuspinde ng Foreign Affairs Department.

Aniya , mas mahalaga ang kinita ng Pilipinas mula sa mga turistang bumisita sa Pilipinas sa halip na bilang nito.

Posible rin na maabot ng gobyerno ang mahigit P697 billion na kita mula sa mga bumisitang banyaga o turista sa bansa.