Tumitindi ang pangamba na hindi makamit ang kasunduan na mapababa ang global warming sa huling araw ng COP26 climate summit sa Glasgow, Scotland.
Nagbabala si UN Secretary General António Guterres na walang katuturan ang mga pangako ng mga bansa na mapababa ang CO2 emissions habang nagpapatuloy pa rin ang pag-invest ng mga bansa sa fossil fuels.
Hindi aniya nakikita na mangako ang mga bansa hanggang sa pagtatapos ng climate summit ang layuning mawakasan ang carbon dioxide emission.
Tinawag ni Gutteres ang ilang mga napagkasunduan sa climate summit na hindi pa sapat at alam ng mga bansa ang mga dapat na gawin.
Gayunpaman, nanatili itong umaasa na magagawa ang mga ito hanggang sa huling pagkakataon.
Ayon sa mga siyentista, ang paglimita sa global temperature ng hanggang 1.5 degrees Celsius ay makakatulong sa sangkatauhan na maiwasan ang pagkakaroon ng malalang impact ng climate change. (with reports from Bombo Everly Rico)