Binabaan sa 9 million ang target na mabakunahan sa National Vaccination Day mula November 30 hanggang December 1.
Katumbas ito ng 3 million COVID-19 vaccines doses na target na maiturok sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan.
Paliwanag ng National Task Force Against COVID-19 at National Vaccination Operations Center na ang kanilang bagong target ay matapos konsultahin ang mga local chief executives mula sa mga LGUs gayundin ang kanilang resource management at logistics team.
Kailangan aniya ang adjustment sa target na mabakunahan sa tatlong araw na national vaccination drive dahil ikinonsidera ang kakulangan sa ancillary supplies partikular na ang syringes para sa Pfizer-Biontech vaccines at iba pang isyu sa logistics.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda sa malawakang vaccination sa 16 na rehiyon sa bansa.
Nauna na ngang inihayag ng pamahalaan na target na mabakunahan sana ang nasa 15 million na mga Pilipino sa 3-day national vaccination upang maabot ang herd immunity sa bansa.