Binago ng economic team ng pamahalaan ang target na economic growth outlook o paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 2023.
Ito ay bunsod na rin ng inaasahang epekto ng external headwinds gaya ng paghina ng pandaigdigang ekonomiya at panibagong lockdowns sa China dahil sa ipinapatupad na zero COVID policy kasabay ng paglobo ng mga dinadapuan ng virus.
Ayon kay Development Budget Coordination Committee (DBCC) chairperson at Budget Secretary Amenah Pangandaman, inaasahan na ang economic growth ng ating bansa ay papalo sa pagitan ng 6% hanggang 7% sa susunod na taon mas mababa ito kumpara sa naunang pagtaya na 6.5% hanggang 8% economic growth.
Nananatili naman sa 6.5% hanggang 7.5% ang projected economic growth ngayong taong 2022 kung saan sa ikatlong quarter ay nakapagtala ng 7.6%.