Hindi umano nagbabago ang target ng IATF na population protection bago matapos ang taong kasalukuyan.
Kung maalala dating tinatawag ng pamahalaan ang salitang herd immunity kung sakaling mabakunahan na raw ang 70 na popolasyon sa Pilipinas.
Ginawa ni testing czar Vince Dizon ang pahayag na positibo pa rin sila na makakamit ito sa gitna na may limang buwan pa bago magtapos ang 2021.
Una rito, naabot ng gobyerno ang milestone sa vaccination program nang maitala ang 11 milyon na rin na mga nabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay Sec. Dizon kung tutuusin depende talaga sa suplay na makukuha ng Pilipinas ang pagsasagawa nang pagbabakuna.
Todo rin naman ang pasasalamat ang IATF sa mga LGUs sa malaking tulong para maparami ang mga nababakuhana sa kanilang mga nasasakupan.
Kung tutuusin nalampasan na DOH at IATF ang 250,000 kada araw na natuturukan ng bakuna, pero ang target daw talaga nila ay kalahating milyong katao ang mababakunahan sa kada araw.