CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet Officers for Regional Development Security (CORDS) na maipatupad ang mga programa na naglalayong tatapusin na ang insurhensiya na balakid sa pagpapaunlad ng bansa.
Ito ang dahilan na sunod-sunod na nagpatawag ng summit ang CORDS upang ma-assess ang mga pagsisikap at programa ng local government units na naatasan ni Duterte na masagot ang hinaing ng mga nag-alsa na kababayan sa mga kanayunan.
Inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na target matapos ni Duterte ang insurhensiya sa taong 2022.
Sinabi ni Esperon na kung hindi man tuluyang mapabagsak ang kilusang CPP-NPA ay pipilitin umano nila ito na magiging mga bandido na lamang.
Ginawa ni Esperon ang pahayag kaugnay sa summit na ipinatawag ng CORDS kung saan dumalo ang mga opisyal sa Mindanao sa isang hotel sa Cagayan de Oro City.
Kung maalala inilabas ni Duterte ang Executive Order No.70 upang pakilusin ang buong makinarya para masagot ang pangangailangan ng taongbayan na binalik-balikan ng CPP-NPA para gawing kasangkapan upang pabagsakin ang gobyerno.