-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Food Authority na nalagpasan na nila ang target na buffer stock ng Palay sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson, umabot na ito sa kabuuang 3,365,245 na kaban ng Palay.

Ang bilang na ito ay katumbas ng 168,262 metriko tonelada na na procure ng ahensya as of June 13.

Itinuturong dahilan ng pagkakaabot sa target na Palay procurement ay ang pagpapatupad ng ahensya ng mataas na buying price para dito.

Dahilan para tangkilikin ng mga magsasaka na magbenta ng kanilang ani sa NFA.

Sa kasalukuyan, binibili ng NFA ang clean at dry palay mula ₱23-₱30 kada kilo.

Nagpasalamat rin ang opisyal sa mga magsasaka na patuloy na pinag-iibayo ang kanilang pagtatanim para maging sapat ang suplay ng Palay sa bansa.

Kasabay nito ang pagtitiyak na patuloy silang bibili ng Palay sa mga magsasaka sa ilalim ng Price Range Scheme.

Aabot naman sa 495,000 MT na buffer stock ng Palaya ang target na mabili ng ahensya sa kabuuan ng 2024.