-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakuha ng Davao City Health Office (CHO) ang kanilang target rate para sa 3rd round ng citywide polio mass vaccination sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa lungsod ng Davao.

Ang 3rd round ng Sabayang Patak Kontra Polio na nagsimula noong January 22 hanggang February 2 ay mayroong total na 203,434 na mga bata na may edad 0 hanggang 59 months na nabakunahan ng oral polio vaccine type 2 (OPV2).

Nangahuhulugan ito na ang nasabing program nakuha ang immunization coverage na 108.87 percent, sobra pa sa inaasahang 186,864 na mga bata.

Ito ngayon ang may pinakataas na coverage rage kung ikukumpara sa naunang 2nd round na isinagawa noong nakaraang taon, na nasa 96 percent at 104 percent.

Inihayag ni Dr. Josephine Villafuerte, Davao City Health Office head na ang COVID-19 hindi nakapigil sa mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Villafuerte, na ang mga magulang ay seryoso sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak dahin ang polio ay isang nakakatakot at nakamamatay na sakit.

Ang Sabayang Patak Kontra Polio isang immunization program na isinasagawa sa mga health centers at house-to-house visit sa lahat ng mga barangay sa lungsod ng Davao.

Ibinahagi rin ang mga bakuna sa iba pang mga lugar tulad ng mga private hospitals, malls, eskwelahan at simabahan kung saan nakatulong ito sa pagtaas ng immunization coverage.

Habang patuloy pa rin ang 4th round ng Sabayang Patak Kontra Polio na nagsimula na noong Pebrero 17 at matatapos ito sa Marso 1, at ang 5th at final round naman magsisimula sa Marso 23 hanggang Abril 5 sa kasalukuyang taon.