-- Advertisements --

Nalagpasan na ng Privatization and Management Office (PMO) ang target remittance nito para sa 2023.

Ang naturang opisina ay ang policy-making body ng pamahalaan na nabigyan ng mandatong pangunahan ang pagsasapribado sa mga assets o mga pag-aari ng gobyerno.

Ayon sa Department of Finance (DOF), nakapag-remit na ang naturang opisina ng P1.2 billion sa National Treasury. Ito ay 84.6% na mas mataas kumpara sa target nitong remittance para sa taong ito, na P500 million.

Ang P1.2 billion na remittance ay mas mataas din kumpara sa pinagsamang remittance noong 2018 at 2021.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang mataas na kita ng naturang opisina ay dahil na rin sa pagtulak ng pamahalaan sa pagsasapribado sa mga assets ng bansa.

Ang mataas na maintenance cost ng mga naturang assets kasi aniya, kasama ang security expenses, ang dahilan ng tuluyang pag-dispose sa mga naturang assets para sa mas mataas na kikitain. – GENESIS RACHO