-- Advertisements --
image 51

Nakahanda ang Marcos administration na mamahagi ng targeted asistance sa vulnerable sectors na apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Isa sa mga programa ng pamahalaan upang matugunan ang epekto ng mataas na inflation ay ang food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan, kasabay ng pagpapatupad ng panandaliang hakbang para mapahupa ang negatibong epekto ng inflation sa bansa, mahalaga aniyang matugunan ang pangmatagalang mga isyu sa suplay ng pagkain sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta para sa mga lokal na magsasaka para mapalakas ang pagiging produktibo at katatagan. Kabilang ang pamumuhunan sa irigasyon, makabagong high-yielding varieties, pest control at logistics.

Ayon pa sa Palasyo ng Malacanang, nasa 7,800 magsasaka ang mabibigyan ng P10,000 na cash subsidy subalit hindi pa natukoy kung aling ahensiya ang magpapatupad ng programa.

Makakatanggap din ang mga rice farmer ng P5,000 halaga ng tulong pinansiyal sa gitna ng mataas na halaga ng produksiyon.

Una rito, sumipa pa ang inflation rate noong Setyembre dahil sa lalo pang pagtaas ng presyo ng mga pagkain partikular na sa bigas at mga petrolyong petrolyo