Nagsisimula nang paghandaan ng Mexico at United States ang kanilang pagpupulong na naglalayon ayusin ang trade clash sa pagitan ng kanilang bansa.
Nangyari ang trade clash na ito matapos ianunsyo ni US President Donald Trump na mas lalo pa nitong tataasan ang ipapataw na taripa sa mga produkto ng Mexico kung hindi nito lulutasan ang lumalalang problema ng bansa sa illegal immigration.
Kinumpirma ni Mexican Economy Minister Graciela Marquez na makikipagkita ito kay US Commerce Secretary Wilbur Ross sa Washington ngayong araw upang pag-usapan ang nasabing isyu.
Ayon kay Trump simula June 10 ay tataas ng 5-25% ang taripa sa mga produkto ng Mexico kung hindi nila pipigilan ang mabilis na pagdami ng illegal migrants sa US-Mexican border.
Una rito ay nagpahayag na ng pag sang-ayon si Mexican President Andres Manuel sa nais ni Trump na mas lalong higpitan ang migration control sa US at umaasa rin daw siya na magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusap ngayong araw.