Simula Hunyo ay muli na namang tataasan ni US President Donald Trump ang ipinataw nitong taripa sa lahat ng produkto na iniaangkat ng bansang Mexico.
Ito ang tahasang paghamon ni Trump kay Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador.
Ayon kay Trump, tataas ng 5 hanggang 25 percent ang nasabing taripa kada buwan hanggang sa tuluyan na umanong malutas ng bansa ang problema nito sa illegal immigration.
Nagdeklara rin ang presidente ng national emergency upang pag-usapan ang sa tingin nito ay krisis na kinakaharap ngayon ng US southern border.
Kumpyansa naman si North America top diplomat Jesus Seade na hindi magiging matagumpay ang balak na ito ni Trump. “We’re in a good moment building a good relationship (with the United States) and this comes like a cold shower,†saad ni Seade.
Matatandaan na habang kasagsagan ng pangangampanya ni Trump noong 2016 election campaign ay sinimulan na nitong kumalap ng pondo upang gumawa ng pader na magsisilbing border sa US at Mexico.
Ikinatakot naman ng mga investors ang desisyon na ito ni Trump dahil mas palalalain lang daw nito ang trade frictions na nararanasan ng global economy.
Sa huling datos ng US officials, 80,000 katao na ang nasa ilalim ng kanilang kustodiya. Halos 4,500 illegal immigrants naman ang nakakapasok sa US kada araw.