-- Advertisements --
VIGAN CITY – Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi maaapektuhan ang kandidatura ng isang tumatakbong board member sa Tarlac, ang pananapak nito sa isang opisyal ng tanggapan kamakailan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinaliwanag ni COMELEC spokesperson James Jimenez na hindi sapat na dahilan ang pananapak ni Marty Torralba sa isang election officer para ma-disqualify ito sa pagtakbo.
Ani Jimenez, kailangan muna ng desisyon mula sa korte bago patawan ng disqualification ang akusadong kanidadato.
Sa kabila nito, sinabi ng tagapagsalita na mananagot pa rin sa batas si Torralba dahil sa kinasangkutang insidente.
Posible aniya itong maharap sa kasong kriminal dahil sa pagiging bayolente nito sa election officer na si Teddy Mariano.