-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bahagi ng Tarlac City nitong Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdamdaman ito ng alas-10:30 ng gabi.
Naitala ang sentro sa 4 kilometero silangan ng Tarlac City.
May lalim ito ng 179 km at tectonic in origin umano ito.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Infanta, Pangasinan habang Intensity 1 sa Bani, Pangasinan at Iba, Zambales.