-- Advertisements --

Nagharap sina Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta at Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela sa pagdinig ng House tri-committee kaugnay ng pahayag na gawa-gawa lamang ang West Philippine Sea.

Una nang nagkaroon ng salungatan ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga inilabas na statement.

Para kasi kay Marcoleta, hindi dapat ipilit ang paggamit ng West Philippine Sea para tukuyin ang karagatang nasa kanlurang bahagi ng ating bansa, kasama na ang mga features na inaakin ng China.

Para naman kay Tarriela, nagtataka raw siya sa kongresista kung bakit hindi ito puwedeng pangalanan at kung ano ang kaniyang rekomendasyon dito.

Giit niya, mismong Kongreso ang nagpatibay ng Philippine Maritime Zones Act kung saan walang tumutol o nag-abstain sa boto.

Nilinaw din ni Tarriela na hindi niya partikular na tinawag na traydor ang mambabatas.