-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Iginiit ni Task Force Bangon Marawi chairperson Secretary Eduardo del Rosario na walang kurapsyong nagaganap sa Office of Civil Defense (OCD) kaugnay sa foreign donations na ipinondo para sa mga biktima ng Marawi siege.
Sinabi ni Del Rosario na walang ni isang sentimo ang nakurakot at nakahanda ang kanilang tanggapan sa isasagawang transparancy check mula Commission on Audit (COA).
Inamin ng kalihim na may katagalan sa pag-usad nga kanilang mga relief assistance dahil sa kakulangan ng mga hinihinging dokumento upang tuluyang maimplementa ang kanilang proyekto.
Una rito, mismong ang COA ang nagkuwestiyon kung bakit nasa P10,000 lamang mula sa P37-milyon pondo ang na-dispatch ng ahensya.