-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuo na ng Task Force Pangandaman ang mga otoridad na siyang mag-iimbestiga sa motibo sa pag-ambush kay Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman Jr. na ikinamatay ng isang police escort habang sugatan naman ang dalawang sibilyan.

Una nang ikinadismaya ni Lanao del Sur Provincial Police Office director Col. Madzgani Mukaram ang kawalan daw ng kooperasyon ng mga residente sa Buadiposo-Buntong, Lanao del Sur kung saan nangyari ang pananambang.

Sinabi ni Mukaram na naniniwala siyang may mga nakakita sa krimen lalo na’t inabangan ng mga suspek ang alkalde sa naturang lugar.

Ayon sa naturang police official, magiging pahirapan sa kanila ang paglutas sa kaso at pagkikilala sa mga suspek dahil sa mga residenteng tikom ang bibig sa nangyari.

Nabatid na tinambangan ng mga armado si Mayor Pangandaman ng papunta ito sa isang meeting pero swerteng sya ay naligtas.