-- Advertisements --
Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.

Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.

Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa isolation ang kalihim batay naman sa quarantine guidelines.

Kaugnay nito, inabisuhan na rin daw ang mga taong na-expose sa kanya.

Sa kabila nito, ang Department of National Defense ay magpapatuloy pa rin sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng skeleton workforce upang matiyak ang pagseserbisyo sa taongbayan.

“The result of my RT-PCR test today, 06 April 2021, came up positive. I will be undergoing isolation, following the quarantine guidelines to avoid infecting others. Those who have been exposed to me have been informed. They have been advised to isolate and get tested for COVID-19 as well,” ani Lorenzana sa statement. “I would like to remind everyone that the threat of the virus is as real as ever, more so now due to the new variants. Let us all cooperate and abide by the prescribed health protocols to help in curbing the spread of COVID-19. Be safe everyone!”

Kasabay nito, nagpasalamat pa rin si Lorenzana na kahit daw papaano siya ay asymtomatic.

Kung maalala nito lamang nakalipas na linggo nagpositibo rin sa COVID-19 ang tinaguriang contact tracing czar na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Habang ang task force spokesman naman na si Secretary Harry Roque ay kagagaling lamang sa pagpapagaling din sa virus.

Ang sunod-sunod na pagkahawa ng ilang top officials ng IATF ay sa gitna na rin nang “surge” ng COVID cases sa bansa kung saan noong April 2, 2021 ay naitala ang record breaking na mahigit sa 15,310 na COVID infections.